September 2 na. Start na magpatugtog ng mga Christmas songs! Kay bilis talaga ng panahon…I can’t wait this December, maraming mahalagang pangyayari ang mangyayari sa buhay ko. At sana by this time of the year, eh maging happy naman ung Christmas ko. Well, masaya naman last year kaso lang, nasa Singapore ako that time, kaya medyo nakakalungkot. This year, I hope and wishes kay Bestfriend sa taas na siya na bahala sa lahat. Alam na niya yun…madalas kami magbulungan eh.
Anyways, kahapon buong araw kami magkausap ni hubby habang nasa trabaho siya. Buti na lang talaga, di blocked ang ym, atleast meron siyang anti-stress (ako un!) while working. Di pa kami niyan tapos ha, pagdating pa niya ng house, online ulit, tapos usap naman sa ym this time call na, di na chat. Hehehe sosyal! Syempre, puro bolahan lang pinaguusapan namin. Sino pa ba ang magbobolahan, kundi kaming dalawa lang. Mahirap na, at baka makipag bolahan pa sa iba.
Tapos mga 11:30 nagpaalam na rin siyang matulog, at may pasok pa nga. Buti na lang di siya na late. Ako naman, dahil di ako abutan ng antok, nanuod na lang muna ako ng TV. Alam niyo ba ung Cafe TV? sa channel 7 un, pero madalas yun ipakita sa QTV, Channel 11. Natutuwa lang ako sa segment nila. Tulad nito:
*Setup: Office
*Sponsor: Nescafe 3 in 1
*Situation: Bagong graduate, mag-apply sa company.
Officegirl 1: (Nagkwekwento sa opismate sa mga bagong graduate na aplikante while drinking a coffee) Ano na ba mga nangyayari sa mga bagong graduate natin ngayon?
Officegirl 2: Bakit, ano meron?
Officegirl 1: Biruin mo, tinanong ng HR ung isa;
Q: So, what position are you applying for?
A: Mam, I’m only applying for 1 position not four.
Officegirl 2: (Shocked)
Officegirl 1: At eto pa ang isa…
Q: If you’ll be accepted, what can you contribute to the company?
A: Mam, I only have 50 pesos in my pocket.
Hehehe wala lang, natawa lang ako, kaya ko shinare. Babaw. ^_^






ay nakakapanood din ako nyan paminsan-minsan sa 7 after ng uh. aliw ‘no?