Aaminin ko, nahirapan ako para sa tema ngayong huwebes. Hindi ko alam kung magagawa ko ba ito o kung kaya ko ba talaga sumali sa Litratong Pinoy. Pero sabi nga nila, wala naman masama kung susubukan.
Ito ang aking lahok para sa temang Tanso. 2 araw ko na pinag-iisipan kung ano ba ang kayang kong ibahagi para dito. At naisip ko buksan ang aking pitaka para gamitin ang aking mga barya.
Para sa iba, walang silbi o wala kang mabibili kung 5-10 centimo lang ang pera mo. Oo nga naman, kahit piso wala ka nang mabibili ngayon. Sa pagkakaalam ko 2 piso na ang 3 pirasong kendi ngayon. Kaawa awa na talaga tayong mga pinoy, di man lang natin mapakinabangan ang ating mga barya. Kahit dryber sa jeep ay di ito tinatanggap.
Naalala ko nung nasa Singapore ako. Bilib ako sa kanilang systema. Ultimo isang centimo ay may silbi. At magagamit mo talaga. Di nila ito babaliwalain, sapagkat mahalaga sa kanila ang pera. Meron talagang silbi.
Sa atin kaya, kelan kaya magkakasilbi ang ating tanso?





