Ito ang aking lahok sa tema ng Litratong Pinoy na Puti at Itim.
Si Panda. Anak ng aming aso si Indira. Nanganak siya ng tatlo, dalawang brown at siya lang ang nag-iisang puti at itim ang kulay. Panda ang ipinangalan ng aking Tita, dahil sa kanyang kulay. Mukha kasi siyang “Panda”. Sa kanilang tatlo, siya lang din ang nag-iisang babae. Ang kanyang dalawang kapatid ay parehong lalaki. Nakakatuwa si Panda, siya ang pinaka-makulit sa kanilang tatlo. Ang pinaka-maingay sa lahat. Dahil na rin siguro siya ang nag-iisang babae. Di ba nga nasa “nature” na ng babae ang maging madada. Mahilig siya makipaglaro sa mga kapatid niya, at napaka-hyper. Sa tuwing parating na ang Tita ko galing opisina, sinasalubong na siya ng kanyang mga alaga, at isa si Panda sa mahilig sumalubong sa kanya ng tuwa at pag-amoy sa kanyang paa. Siya si Panda.







Ang cute! Yung mga naging doggies namin, majority white (jap spitz) except for the wrinkled face brown pug. Thanks for dropping by. I’ve added you in my blogroll. =)
Yep, super cute ni Panda. Wow jap spitz mas cute un! sa amin askal lang.
Thanks for the add. I’ve already included your site in my blogroll too.
Panda looks very lovable.