Ito ang aking lahok ngayong Huwebes. Ang aking Kompyuter.
Macky, ang aking kompyuter.
Hindi ito ang aking unang kompyuter. Sa katunayan, pangalawa na ito. Ang una kong naging kompyuter ay Toshiba Satellite na bigay ng aking Tito, umabot ang kanyang buhay ng 5 taon. Gamit ko iyon nung ako’y nag-aaral pa sa kolehiyo hanggang sa ako’y nagkatrabaho. Nasira ito noong Hulyo.
Ito naman si Macky ay ibinigay naman ng aking Mr. M. Dinala niya ito nung siya ay nagbakasyon ng 4 na araw dito sa Manila. Ito ang nagsisilbing libangan ko habang ako’y nasa bahay. Ito ang lagi namin gamit sa tuwing kami ay magkakausap sa YM. Mahirap makipag komunikasyon lalo na sa panahon na ito kung wala kang kompyuter. Malaki ang natitipid namin imbis na gumamit ng telepono. Napakalaking tulong talaga ni Macky.
Sa una hindi ako sana’y sa pag gamit nito. Nung una ako’y nahirapan sa pag gamit, dahil kakaiba ito sa nakaugalian kong gamit sa dati kong kompyuter. Pero ngayon, ako’y masaya at nasasanay na ako sa pag gamit nito. Kasama ko si Macky sa lungkot at ligaya.






