Pasensya na, hindi na naman ako nakapag update ng blog ko. Dapat marami akong kwento di ba? So kamusta naman ba?
For the past 5 days ano ano ba mga nangyari sakin? Well. Na-adik lang naman ako sa pinapanuod kong tv series online. Ang “HEROES” natapos ko na ang Season 1 and 2. Season 3 na ako Episode 3. Ayun. Hanggang dun lang, kc wala pang update online ng kasunod. Geesh! Kainis. Nakakabitin. Maghahanap na naman ako bagong kaaadikan. Meron na kayang Grey’s Anatomy Season 4? Hmm.. I’ll check.
Naiinis ako. Hindi pa rin tama ang oras ng pagtulog ko. Madaling araw na ako nakakatulog, usually 2am na! OMGolly! di ba nakakainis?? hindi pa naman ako pede mapuyat. As in HINDI TALAGA PWEDE! pero what can I do? kahit anong gawin ko, hindi talaga ako makatulog. Haaayz…ang masama pa niyan, maaga rin ako nagigising. 6:30am. So kamusta naman di ba?!
Nung Linggo. More than 8 hours kami magkausap ni Mr.M via YM. Salamat talaga sa YM! mas nakakatipid kami.
Kung ano ano lang napagusapan namin. Ganito pala ang LDR. Medyo mahirap pero dahil na rin sa Kompyuter at unlimited internet, mas madali at di ganun kahirap ang komunikasyon namin. Masaya ako at marami kami napagusapan. Thank you po Lord!
Kahapon. Nagpunta ako ng MOA (Mall of Asia) Nagbayad ng bills. Kasama si mudra. Ok pala dun, hindi pa kasi talaga ako nakakagala sa mall na yun. Pag napupunta kasi ako dun, kain lng sa gilid, ung mga resto dun, at makikipagchikahan lang sa mga friends. Ganun lang, tamad kasi ako maglakad. Paano kasi ang laki ng mall na yun, madali pa naman sumakit ang paa ko, lalo na pag naka-heels ako. Kaya kahapon lang talaga ako nakagala sa mall na yun. And I can say, gusto ko yung mall na yun. Malaki, marami pagpipilian, hindi gaano ma-tao at malinis. Siguro dahil na rin weekday ako nagpunta kaya maaliwalas sa paningin ko ang mall.
Marami ako naipamili. Halos puro lahat kay Zach. But I don’t mind, para sa kanya naman yun eh, at natutuwa ako mamili. Sarap ng feeling! ganun pala yun.
Pagkatapos mag MOA, dumaan kami ni mudra sa Baclaran. Dun naman ako namili ng gamit ko. Oo mas gusto ko mamili ng gamit ko dun, kasi mas mura at matibay din. Nakabili ako ng 2 dress, 1 slippers na may cute details, bagay na bagay dun sa nabili ko na dress at 2 pantulog. Syempre, binilhan ko rin si mudra. Nagpabili siya ng pedal pants, at 3 pajama. Sarap talaga magshopping sa baclaran! Matagal tagal pa ulit, bago ako makabalik dun.
Bago umuwi. Dumaan kami ng Baclaran church May nakita akong pari, at nagpabless ako, nakakatuwa ang paring yun. Isa siyang Espanyol. Pero ang galing niya magtagalog. Sayang hindi ko nakuha ung pangalan niya, e paano masyado ako na-overwhelmed sa kanya. Sa mga sinabi niya sakin. Hindi ko siya makakalimutan.
5:30pm na kami nakauwi ng bahay. Taxi-galore kami ni mudra, ang dami kasi namin bitbit! hindi namin kinaya. Nakakapagod, pero worth it ang lakad namin. And I’m very much thankful kay Lord kasi nakapagshopping ulit ako. Thank you po sa lahat ng blessings!
Baclaran Church, Oct 6, 2008
Posted in Family, Words | 2 Comments »
Ito ang aking lahok ngayong Huwebes. Ang aking Kompyuter.
Macky, ang aking kompyuter.
Hindi ito ang aking unang kompyuter. Sa katunayan, pangalawa na ito. Ang una kong naging kompyuter ay Toshiba Satellite na bigay ng aking Tito, umabot ang kanyang buhay ng 5 taon. Gamit ko iyon nung ako’y nag-aaral pa sa kolehiyo hanggang sa ako’y nagkatrabaho. Nasira ito noong Hulyo.
Ito naman si Macky ay ibinigay naman ng aking Mr. M. Dinala niya ito nung siya ay nagbakasyon ng 4 na araw dito sa Manila. Ito ang nagsisilbing libangan ko habang ako’y nasa bahay. Ito ang lagi namin gamit sa tuwing kami ay magkakausap sa YM. Mahirap makipag komunikasyon lalo na sa panahon na ito kung wala kang kompyuter. Malaki ang natitipid namin imbis na gumamit ng telepono. Napakalaking tulong talaga ni Macky.
Sa una hindi ako sana’y sa pag gamit nito. Nung una ako’y nahirapan sa pag gamit, dahil kakaiba ito sa nakaugalian kong gamit sa dati kong kompyuter. Pero ngayon, ako’y masaya at nasasanay na ako sa pag gamit nito. Kasama ko si Macky sa lungkot at ligaya.
Posted in Litratong Pinoy | Leave a Comment »
It’s the first day of the month of October. Today marks a celebration of our Bro & Sis in Muslim.
Hari Raya Aidilfitri (also Hari Raya Puasa, literally “Celebration Day of Fasting“) is the Malay term for the Muslim festival of Eid ul-Fitr.
Posted in Celebration | Leave a Comment »
Ito ang aking lahok sa tema ng Litratong Pinoy na Puti at Itim.
Si Panda. Anak ng aming aso si Indira. Nanganak siya ng tatlo, dalawang brown at siya lang ang nag-iisang puti at itim ang kulay. Panda ang ipinangalan ng aking Tita, dahil sa kanyang kulay. Mukha kasi siyang “Panda”. Sa kanilang tatlo, siya lang din ang nag-iisang babae. Ang kanyang dalawang kapatid ay parehong lalaki. Nakakatuwa si Panda, siya ang pinaka-makulit sa kanilang tatlo. Ang pinaka-maingay sa lahat. Dahil na rin siguro siya ang nag-iisang babae. Di ba nga nasa “nature” na ng babae ang maging madada. Mahilig siya makipaglaro sa mga kapatid niya, at napaka-hyper. Sa tuwing parating na ang Tita ko galing opisina, sinasalubong na siya ng kanyang mga alaga, at isa si Panda sa mahilig sumalubong sa kanya ng tuwa at pag-amoy sa kanyang paa. Siya si Panda.
Posted in Litratong Pinoy | 3 Comments »
- Woke up 8:15am
- Had a taho for breakfast
- Went online
- Plurked
- Greeted hubby in ym
- De-cluttered my inbox (not yet done, still a lot of unwanted emails..)
- Ate lunch ( pinakbet)
- Watched Eat Bulaga
- Fell asleep
- woke up 2:30
- went online
- added new sites in my blogroll
- Had a nice chitchat with hubby in the office using ym
- Downloaded “My Sassy girl” for almost 2hrs!
- Dinner
- Watched “My Sassy girl” the movie (english version)
- Plurked
- and still awake…organizing my blog…
Tomorrow? ano naman kaya…hmmm…
Posted in Words | 2 Comments »



















