Haller! eto at nagbabalik na ako. With a new chapter in my life. ๐
Amazed.Happiness.Blessed.Surreal.
Nakakaloka. Ang bilis ng panahon. Parang kelan lang nag-aaral pa ako, grumaduate at nagkatrabaho. Nagkaroon ng iba’t ibang relasyon at inakala na sila na ang “future”. Hindi pala.
Eto at ako’y isang ganap na babae na talaga.
I’m proud to say. I’m now a MOM. (With matching sparkling white smile, sabay kumakaway na parang nasa pageant.)
Nov 6, 2008 10:46pm
I gave birth to a healthy baby boy. He’s so cute! Kamukhang-kamukha ng tatay niya.
Weight: 7.4lbs
Height: 53cm
Naalala ko pa noong mga panahon na nagkakausap pa lang kami ng aking Hubs via chat. Sinabi niya sa akin na, “Ang pag-aasawa ay parang magnanakaw, hindi mo alam kung kailan ito darating”. Tama nga siya. Hindi ko nga inakala na darating ito sa panahon na hindi ko inaasahan. Mabilis ang mga pangyayari, hindi ko gaano nasundan.
I admit. Natakot ako. Hindi biro ang pinasok ko. Pero ngayon, masaya ako, sa mga nangyayari sa buhay ko at sa bagong buhay na dumating. Oo mahirap. Pero alam ko makakaya ko ito. Makakaya namin ito.
Tulad nga ng madalas ko sabihin noon. Bring it on baby! ๐
more photos here!
Congratulations! A child is a blessing so embrace it wholeheartedly. ๐ Take care you both!
Congratulations! So adorable. Sleeping like an angel. =)
Yes! I am indeed BLESSED. ๐
Aww, he’s adorable! ๐ Congratulations ulit! =)